Cybercrime Law dapat i-veto ni PNoy – Mitos

PATULOY na sinisisi ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay si Pangulong Aquino dahil sa hindi pag-veto sa Cybercrime Law.

Giit ni Magsaysay na malaki sana ang magagawa ni Pangulong Aquino upang hindi maipatupad ang Cybercrime Law na ngayon ay nahaharap sa kaliwa’t kanang petisyon sa Korte Suprema.

Nilinaw ng kongresista na tumatakbong senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance na kapag mayroong batas na sinasalungat at kinokontra ang  Saligang Batas ay may kapangyarihan ang pangulo na pigilan muna ito bago pirmahan.

Aniya pa, gawain na ito ng mga nagdaang presidente ng bansa lalo na kung may batas na tinututulan na pinipilit ipasa ng Kongreso.

Sinabi pa ni Magsaysay na dapat sana ay pinasala muna ni Pangulong Aquino sa kanyang mga tagapayo o kaya ay ipinabalik ito sa Kongreso upang muling isailalim sa masusing deliberasyon sa bicameral committee.

Umaasa naman si House Minority Leader na aaksyon agad ang Kamara upang maamiyendahan ang Cyber Crime Law sa gitna ng patuloy na lumalawak na protesta ng sambayanan laban sa naturang batas.

Ipinahayag ni Suarez na itutuloy niya ang paghahain ng isang resolusyon na magsusulong upang agad na maamiyendahan ang Cybeycrime Law kahit abala na aniya ang mga kongresista para sa 2013 midterm elections.

Nagbabala pa si Suarez na posibleng lumawak ang protesta ng publiko at magkaroon ng kaguluhan dahil sa pagtutol sa Cybercrime Law kung kaya  pinayuhan niya ang liderato ng Kamara na agad talakayin ang amiyenda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply