Cybercrime Law, kwestyunable – De Lima

INAMIN ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima na kuwestyunable ang probisyon tungkol sa libel sa Cybercrime Law.

Kinatigan ni De Lima ang mga bumabatikos sa Cybercrime Law na may kuwestyunable sa probisyon ng batas patungkol sa libel.

Aniya, redundant ang cyberlibel dahil may batas na tayo tungkol sa print libel.

Hindi na rin umano uso ang libel dahil ang trend ngayon ay ipa-decriminalize na ito.

Tama lamang umanong kwestyunin ito ng karamihan dahil maraming tao ang maaapektuhan nito.

Gayunpaman, sinabi ni de Lima na ipatutupad ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na hindi lalabagin ang mga karapatang pantao.

Ani De Lima, walang dapat katakutan sa nasabing batas dahil kailangan ito upang mapuksa ang lumalaganap na kriminalidad sa Internet.

Aniya, marami nang nag-aabuso online, nagko-commit ng crimes online gaya ng cybersex, at child pornography.

Ngayon araw, October 3, itinuloy ang pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act of 2012 matapos ipagpaliban ng Supreme Court (SC) ang inihaing temporary restraining order (TRO) sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta ng iba’t ibang grupo.

Samantala, kinondena ni de Lima ang patuloy na pag-hack sa mga government websites bilang protesta kontra Cybercrime Law.

Aniya, mali ang pamamaraan ng mga tinaguriang hacktivists upang maipahayag ang kanilang pagtutol sa batas.

Aniya, kung naniniwala silang mali ang ibang probisyon sa Cybercrime Law, hindi nila ito maitatama sa pamamagitan ng hacking.

Mas mabuti umanong ipasok nila ito sa tamang forum upang mapag-usapan at mapagdebatihan.

Hacker binalaan

Babala pa ni De Lima sa mga hacker, itinuturing na krimen ang pag-hack sa mga webiste ng mga ahensya ng gobyerno.

Matatandaang makailang beses nang hinack ng grupong nagpapakilalang Anonymous Philippines ang mga website, Facebook at Twitter accounts ng government websites.

Nagbabala silang hindi titigil hangga’t hindi inaamyendahan ang Cybercrime Law na umano’y kumikitil sa karapatan ng mamamayan sa freedom of expression.

sa unang araw ng pagpapatupad ng Cybercrime Law, muling umatake ang mga hackers o “hacktivists.”

Dakong alas-4:00 ng madaling araw, hindi mapasok ang website ng www.gov.ph, gayundin ang webiste ng Senado, House of Representatives at National Bureau of Investigation (NBI).

Ngunit dakong alas-7:00 am, balik-normal na rin ang mga websites.

Ang hacking ay isinagawa umano ng mga hackers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na miyembro ng grupong Anonymous.

Binansagan nila itong “Operation Philippines” o “OP Philippines”.

Target ng grupo na sirain ang website ng Department of Justice (DOJ), Manila Electric Company (Meralco) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gayundin ang website ni Pangulong Noynoy Aquino at Senator Tito Sotto.

Nitong mga nakaraang araw, iba’t ibang government websites ang hinack ng nagpakilalang PrivateX bilang protesta sa Cybercrime Law.

Ilan sa mga na-hack ay ang mga sunusunod: http://www.batangas.gov.ph/; http://www.smokefree.doh.gov.ph/;http://omb.gov.ph/;http://mtc.gov.ph/;http://marina.gov.ph/;http://www.ipophil.gov.ph/;http://www.pnri.dost.gov.ph/;http://www.dilg.gov.ph/;http://www.osist.dost.gov.ph/;http://www.cityofsanfernando.gov.ph/lols.txt;http://tourism.cityofsanfernando.gov.ph/;http://www.cityofsanfernando.gov.ph/;http://pcrg.pnp.gov.ph/;www.taraka.gov.ph;https://twitter.com/DSWDserve
https://www.facebook.com/dswd.batasan;http://vigancity.gov.ph/anonymous.html www.fdc.net.ph;http://ntc.gov.ph/ at http://taraka.gov.ph/.

Pinalitan ng grupo ang home page ng mga website ng kanilang opisyal na pahayag kaugnay ng Cybercrime Law kung saan nakasaad na:

“The Philippine Government has just passed a bill that effectively ends the Freedom of Expression in the Philippines.”

“The Cybercrime Prevention Act of 2012 is the most notorious act ever witnessed in the cyber-history of the Philippines, and the language of the bill is cunningly designed to make you think it only applies to individuals who are deep in cyber-technology and doesn’t apply to everyone, but some part of the bill basically says it can imprison anyone who commits libel either by written messages, comments, blogs, or posts in sites such as Facebook, Twitter, or any other comment-spaces of other social media in the Internet.”

“New technologies give us new opportunities to connect with a lot of people not only in this country but all over the world. They can also provide us with a medium through which our political, public and even private views can have an immediate and direct impact on individuals, communities and even countries. It is just so disappointing that our government, in adopting our 80-year-old antiquated libel laws to the Cybercrime Law, again seems to have retarded our march with the rest of the world with respect to giving full force to the people’s freedom of expression.”

“We ask for a revision of the said bill for the betterment of the Filipino denizens.”

Sa Facebook account din ng hackers, nagpasalamat sila sa mga sumuporta sa kanilang protesta kontra-Cybercrime Law.

Umabot na sa walo ang bilang ng inihaing petisyon sa korte kontra Cybercrime Law, kung saan ang pinakahuli ay isinampa ng isang Atty. Melencio Santa Maria.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply