Cybercrime law, malabo nang maamyendahan

IMPOSIBLENG maharap pa ng mga kongresista ang pagsusulong na maamyendahan ang Cybercrime Law dahil gahol na sa panahon ang Kongreso.

Ito ang naging reaksyon ni House Majority Leader Neptali Gonzales II matapos ulanin ng batikos at petisyon upang maantala ang implementasyon ng nasabing batas.

Ayon kay Gonzales malabo ng mabago pa ang nasabing batas dahil magagahol na sa oras ang Kongreso dahil sa papalapit na ang 2013 midterm election at nasa kasagsagan ang paghahain ng certificate of candidacy.

Maging ang pagbuo sa quorum sa plenaryo ay mahihirapan ang liderato ng Kamara dahil magiging abala sa paghahanda at pangangampanya sa halalan ang mga kakandidato na mga kongresista gayundin ay marami pang batas ang dapat na unahin at aprubahan din ng Mababang Kapulungan.

Sinisi pa ni Gonzales ang mga kongresista na tumututol sa Cybercrime Law na aniya’y madalas na wala noong pinaplantsa ang pag-amyenda sa batas.

Mahalaga aniya na laging presente ang mga mambabatas sa deliberasyon ng mga panukala upang maiwasan ang paghahabol sa tuwing may maisasabatas na panukala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply