Cybercrime law, pambusal sa mga kritiko

MAGLULUNSAD ng sama-samang pagkilos ang ibang publikasyon, bloggers, manunulat at ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) bilang pagkundena sa RA 10175 o mas kilala sa Cybercrime Prevention Law.

Ito ang tugon ng grupo sa lumalakas na sigaw at reaksyon ng mga tao sa Cybercrime law, na ilang araw mula ngayon ay pormal na ang implementasyon ng nasabing batas

“Hindi maitatago ng pamahalaan ang mabilisang pagpasa ng cybercrime law upang supilin ang mga kumukwestiyon sa pamahalaan, partikular sa mga di makatwirang polisiyang ipinapatupad nito,” sabi ni Pauline Gidget Estella –CEGP National President.

Hindi mabilang ang mga kritiko na pumupuna sa di mabilang na butas ng nasabing batas lalo na sa usapin ng libel at mga dahilan ng pagkaso partikular sa Art. 355 at tatwang di pagsama ng Art.355 na naglalaman ng batayan ng libel.

“Maraming mga loopholes ang batas na ‘to lalu na yung usapin ng pagpataw ng parusa na doble o one-degree higher at sa usapin ng pagprosecute in both counts na siyang umaapak sa usapin ng double-jeopardy,” ani Estella.

Kasama sa batas ang pagbibigay ng access sa impormasyon ng lahat kahit walang pormal na pagpaapalam kaninuman pati na rin ang kawalan ng due process na siyang lumalabag sa lehitimong karapatang pantao.

Sa madaling sab,i maaring hindi na magbaba ng court order ang Department of Justice (DOJ) para makapagbigay sa kanila ng access upang ipasara ang mga websites, accounts at iba pa.

“Isa lamang itong panibagong mekanismo ng rehimeng Aquino upang tuluyang kontrolin at gapusin ang karapatanng pantao, pagpapahayag at impormasyon, nagpapakita lamang ito ng pag-ulit sa panahon ng diktadurya sa pamamagitan ng E-Martial Law,” diin niya.

Dagdag pa niya “Hindi lamang mga simpleng manunulat, bloggers, mga publikasyon na umaasa sa internet ang siyang tiyak na maapektuhan kundi mismong masa na siyang tipikal na nakadepende sa mundo ng Internet.”

Ang nasabing aksyon na hain ng CEGP at ibang sektor ay susundan ng isang round-table discusssion hinggil sa usapin ng Cybercrime Law na katatampukan ng iba’t ibang personalidad na masasapul ng nasabing batas.

“Hindi titigil ang CEGP at iba pang grupo sa pangangampanya na tuluyang ibasura ang cybercrime law. Nagpapakita man ang batas na ito ng kalawakan, siya rin namang kakitiran ng utak na kung sinumang proponent ng batas na ito,” sabi ni Estella.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply