Cybercrime law, ‘tahimik na daan’ – kababaihan

TINAYA ng Gabriela Partylist na ang ‘tahimik na daan’ ang magiging resulta ng Republic Act 10175 o ng Cybercrime Law.

Giit ni Rep. Emmie de Jesus ng Gabriela na nararapat lamang ang mga pagbatikos sa administrasyong Aquino matapos lagdaan ang Cybercrime Law dahil ito ay nangangahulugan ng “electronic martial law.”

Tinukoy ng kongresista na maraming mamamayan ang naaresto, sinaktan, ginulpi at pinatay sa ilalim umano ng iba’t ibang administrasyon dahil sa pagsasalita ng laban sa gobyerno.

Nangangamba si de Jesus na dahil sa Cybercrime Law ay lalala ang mga paglabag sa  karapatang pantao sa bansa.

“With the Cyber Crime Law, there is a possibility that these will escalate,” ayon kay de Jesus.

Naninindigan si De Jesus na ang Cybercrime law ay lumalabag sa Konstitusyon kaugnay sa kalayaan ng pagpapahayag at privacy.

“Applying the traditional standards of libel will only choke this freedom. The Aquino government, instead of working on laws that protect human rights, came up with a law that endangers the most basic human right to expression.”

Dahil dito, muling nanawagan ang Gabriela na maging mapagmatyag para sa kalayaan ng mamamayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply