Cybercrime Prevention Act, hindi isusuko

HINDI isusuko ng Malakanyang ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na posibleng maghain sila ng motion for reconsideration para ipantapat sa naging desisyon ng Korte Suprema.

Buwelta ito ng Malakanyang sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema kontra sa nasabing batas.

Binigyang diin ng Malakanyang na kailangan ang naturang batas dahil panlaban ito sa  mga pag-abuso sa internet tulad ng identity theft, internet fraud, pornography at iba pang internet-related crimes.

Taliwas naman ito sa naunang pahayag ng Malakanyang nang sabihin na tanggap nila ang naging desisyon ng Korte Suprema na magpalabas ng TRO kontra sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, palagi naman nilang ginagalang ang legal process na ipinalabas ng Supreme Court kung saan ngayon ay kanilang sisipating mabuti ang “specifics” ng naturang TRO.

“I have received information also, initial information that the TRO is directed to some particular provisions. We’d also like to take a look at that first,” anito.

Aniya, ditto ibabatay ng pamahalaan kung ipaglalaban at paninindigan o tuluyang sususpendihin ang pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) na sinimulan na kahapon.

“Again, it would be enlightening to look at the text of the document containing the TRO and kung ano ‘yung mga particular provisions na tini-TRO ng Korte Suprema. And, again, a TRO is a provisional remedy. It is not in any way construed as a judgment on the merits,” ani Usec. Valte.

Nauna nang binigyang diin ng Malakanyang na kailangan ang naturang batas para makasuhan ang mga sangkot sa identity theft, online forgery, fraud at pornography.

Wala namang ideya si Usec. Valte kung iho-hold din ang pormulasyon ng implementing rules and regulations (IRR) ng cybercrime prevention act.

Pag-aaralan naman ng Malakanyang ang posibilidad o ang puntong maaaring tuluyang ipatigil ng Korte Suprema ang buong batas na makaka-apekto sa kampanya ng pamahalaan na labanan ang tinatawag na internet-related crimes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply