Dagdag bayarin ng mamamayan sa gubyerno, pinalagan

PINALAGAN ng grupong Anakpawis ang isang bagong kautusan ng gubyerno na magdagdag ng bayarin ang mga mamamayang may transaksiyon sa pamahalaan.

Ayon sa Administrative order 31 ng Malacanang, dapat ay itaas ang mga transaction fee sa gubyerno katulad ng aplikasyon ng mga papeles at dagdagan pa rin ang mga bayarin sa iba pa.

Ang naturang kautusan ay parang pagnanakaw sa mahihirap, ayon naman sa grupong Anakpawis.

Inakusahan din ng grupo na walang puso si Pangulong Benigno Aquino dahil sa kautusang ito.

Dagdag ng Anakpawis, habang binabawasan ang subsidiyo ng pamahalaan sa mga batayang serbisyo, nagpapadagdag pa raw ng bayarin sa mamamayan kung may kailangan sa pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply