Dagdag pasahe sa MRT, LRT pinalagan ni Honasan

PUMALAG si Sen. Gregorio “Gringo” Honasan sa plano ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na itaas ang singil sa pasahe sa Metro Railways Transit (MRT) at Light Rail Transit dahil hindi makikinabang ang gobyerno dito.

Sa isang text message nitong Miyerkules, sinabi ni Sen. Honasan na hindi maikakaila na iba ang makikinabang sa gagawing ito ng gobyerno na magpataw ng P10 sa kasalukuyang pamasahe na magsisimula sa Enero 2013.

Kinuwestiyon din ng senador ang mabilis na pagpapataw ng dagdag pasahe sa tren gayung wala naman siyang nakukuhang report na nagkaroon ng pagdinig o public hearing para sa isyung ito.

Sa mga nagdaang pagsasapribado, ay lagi aniyang lugi ang pamahalaan dahil hindi naman nailalagay sa maayos na serbisyo ang anumang pag-aari ng gobyerno bagkus lalo pa nalulugi.

Isang milyong pasahero kada araw ang sumasakay sa MRT at LRT na 32% dito ay mga estudyante, 49% ang mga ordinaryong manggagawa, 10% ang walang mga trabaho at 9% ang nasa iba pang sektor.

“All inputs must be considered first,” giit pa ni Honasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply