Dahil nanghipo: TV5 anchorman ipina-blotter ni Danita Paner

IPINA-BLOTTER ng singer-actress na si Danita Paner ang  TV5 anchorman na si Mike Templo dahil sa panghihipo umano nito sa kanyang binti sa isang restaurant sa Pasig City nitong Huwebes.

Nagtungo ang 23-anyos na aktres kay SP04 Geminer Tingne ng Eastern Police District Investigatin and Detective Management Division para ireport ang pambabastos ni Templo, anak nina dating television host-actress Mildred Ortega at ni retired military General Emiliano Templo.

Sinabi ni Paner na anak ni dating Philippine Basketball Association (PBA) legend Manny Paner at dating aktres na si Daisy Romualdez, na pumunta sila ng kanyang kaibigan na at kapwa artista na si  JC de Vera at iba pa sa isang restaurant sa Julia Vargas St., sa Pasig City dakong alas-12:30 nitong Huwebes ng madaling araw.

Habang nakaupo sila, sinabi ni Paner na nilapitan siya ni Templo na pinaniniwalaan niyang lango sa alak at hinipo umano ang kanyang legs kaya napahiya si Paner sa kanyang mga kasamahan.

Nang pumunta naman si De Vera sa banyo, ay sinundan umano ito ni Templo at hinamon ng suntukan pero agad namang naawat.

Upang makaiwas sa gulo, lumipat na lamang sina Paner at De Vera sa ibang restaurant.

Ayon sa aktres, ipina-blotter niya ang pangyayari para sa future preferences.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply