Dalaga ginapang ng bespren ni nanay

MAINIT na dampi ng kamay sa maselang bahagi ng katawan at labing dumadampi sa pisngi ng isang 19-anyos na dalagang estudyante ang gumising sa mahimbing niyang pagkakatulog sa loob ng kanyang silid kaninang madaling-araw sa Las Piñas City.

Nakapatong na ang suspek na si Crisanto Manaoat, 54 at nakahanda nang bihagin ang pagkababae ng biktimang itinago lamang sa pangalang “Mae” nang manlaban ang babae hanggang makatakbong palabas ng kanilang bahay sa Blk 15 Lot 11 Casimiro Townhomes, Saint Joseph Subdivision, Pulang Lupa upang humingi ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod.

Kaagad namang itinawag ng mga tanod sa Police Community Precinct (PCP) 2 ng Las Piñas police ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek bago pa man isagawa ang pagtakas.

Ayon kay Las Piñas Police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, 11-taon ng naninirahan si Manaoat sa bahay ng biktima  dahil matalik na kaibigan nito ang ina ng babae, Isa umanong overseas Filipino worker (OFW) ang asawa ng suspect sa Hongkong habang isa ring OFW ang asawa naman ng ginang sa Dubai.

Kaninang madaling araw ay inaya umano ng suspect ang ina ni Mae na maglaro sila ng slot machine sa isang casino upang malibang ang ginang. Dakong alas-3 ng madaling araw ng iwan ng suspect ang ginang habang nalilibang sa paglalaro ng slot machine at palihim na umuwi upang gapangin sa loob ng silid ang dalaga.

Kanina ay sinampahan na ng kasong Acts of Lasciviousness sa Las Pinas City Prosecutors Office ni PO2 Cristina Rojas, imbestigador ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang suspect.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply