Dalaga kulong sa mga dinekwat na tsinelas

KULONG ang isang dalaga matapos magtangay ng mga tsinelas sa tindahan sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Lyza Gonzales, 29 ng Moriones, Tondo, Manila.

Sa ulat, alas-3 ng hapon, pumasok sa Zenco Footstep sa Rizal Avenue Ext., ang suspek at nanguha ng mga Islander.

Paglabas ng suspek ay hinarang ng sekyung si Oddie Onrejos at nang makita ang 31 pares ng Islander sa bag ay hinanapan ng resibo.

Nang walang maipakita ay agad na dinala sa presinto si Gonzales.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply