Dalaga tinangkang halayin, sinaksak, tigbak

UTAS ang isang dalaga matapos itong pasukin at saksakin sa loob ng kwarto nang tangkain halayin ng isang lasing na suspek na burdado sa tattoo ang katawan habang natutulog Martes ng gabi Oct 16, sa Bgry. Rincon, Valenzuela City.

Dead on spot sa loob ng kwarto si Christine Lopez, y Sumalco, 20, factory worker, ng 19,L Geronimo St., Rincon Valenzuela sanhi ng dalawang malalim na saksak sa kili-kili at katawan.

Arestado at nahaharap sa kasong murder si Jonh Ryan Castro, 28, construction worker, at residente sa tapat ng bahay ng nasawi.

Ayon sa ulat, dakong alas 9:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid kay Chief Insp. Noel Ramirez, hepe ng Station Investigation Unit ng Valenzuela police, mag-isang mahimbing na natutulog sa loob ng silid ang biktima ng palihim na akyatin ng suspek at pagtangkaan na halayin subalit nagising ang biktima.

Sa panayam sa kulungan, sinabi ng suspek na alam niyang mag-isa ang biktima kaya inakyat niya ito sa loob ng kuwarto subalit biglang nagising ang biktima dahilan para suntukin, sakalin hanggang saksakin ng dalawang beses na ikinasawi ng biktima.

Samantala, mangiyak-ngiyak ang boyfriend ng nasawi na si Jonny Cuyugan 19, sa harap ng nanay ng biktima, habang kinukunan ng salaysay ng mga imbestigador na siyang susi para madakip ang salarin.

Ayon pa sa boyfriend, bago naganap ang krimen ipinagtapat sa kanya ng kasintahan (Christine) na tila may masamang balakin ang suspek sa biktima.

Matapos maisagawa ng suspek ang krimen, agad itong tumakas subalit sa agarang pagresponde ng mga awtoridad natunton ang pinagtataguan ng salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply