Dalagita hinoldap na, ginahasa pa

MASAKIT ang buong katawan at luhaang dumulog sa himpilan ng General Santos City PNP ang isang 16-anyos na estudyante na hinoldap na ay halinhinan pang ginahasa sa Labangal, General Santos City.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, sinalaysay ng biktimang si Amor, 16 anyos at isang high school student, na papauwi na sana siya ng bahay kaya sumakay siya sa pedicab sa may Crossing Maskar papunta sana ng Calumpang.

Subalit, pagdaan sa isang madilim na lugar ay tinutukan siya ng kutsilyo ng isa sa mga lalaking kasakay niya at nagdeklara ng hold up.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek ay dinala ang biktima sa isang liblib na lugar at duon ay pinagsamantalahan.

Sa sinagawang follow up operation ay nadakip ng PNP GENSAN ang isa sa umanoy mga suspek na kinilalang si Jojie Dillones ng Pearly Shell, Bula, Gen San.

Nabatid na si Dillones ay itinuturong kasama ng driver na gumahasa sa estudyante. Kahit na nagsisigaw ang biktima at humihingi ng tulong, walang umanong ginawa ang suspek. Halinhinan pang hinalay ang biktma ng iba pang lalaki.

Tahasan namang itinanggi ng suspek ang alegasyon kasabay ng pahayag na kanya lang umano hinawakan ang babae habang ginagahasa ng driver ng padyak

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>