Dalagita nawawala matapos anurin ng ilog CamSur

PATULOY na hinahanap ng mga awtoridad ngayon ang nawawalang 14-anyos na dalagita na inanod nang rumaragasang tubig sa ilog sa bayan ng Ocampo sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa impormasyon, papauwi na ang biktima na kinilalang si Arlene Perez y Ramires kasama ang tatlo pa nitong mga kaklase nang maganap ang insidente.

Papatawid na sana sila sa ilog ng Tinablanan na sakop ng Brgy San Francisco sa nasabing bayan, nang tangayin ng malakas na agos na dulot ng bagyong Ofel.

Samantala, nakaligtas naman ang tatlong kasamahan ng dalagita matapos makahawak sa isang punong kahoy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply