Dalawang bebot kalaboso sa bato

KULONG ang dalawang dalaga matapos mahulihan ng shabu sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Rochelle Galang, 30 ng PNR compound, ng lungsod; at Liezel Payumo, 28 ng Marilao, Bulacan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na talamak ang bentahan ng shabu sa nasabing lugar na naging dahilan upang suyurin ng mga pulis dakong alas-3:00 kaninang madaling araw.

Nahulihan ng isang sachet ng shabu si Galang habang nakuha sa coin purse ni Payumo ang apat na sachet na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply