Dalawang OFW saints

CONGRATULATIONS kay Pedro Calungsod. After 300 years ay santo na siya. Belated congrats din kay Saint Lorenzo Ruiz of Binondo. Umabot din ng 300 years bago siya naging santo.

Sila ang mga kauna-unahang overseas Filipino workers natin bagaman at hindi pa tinatawag na Filipino ang Pinoy noong sakop tayo ng mga Kastila at mga prayle o pari.

Sa isang banda, mahirap namang tawaging OFW sina Saint Calungsod at Saint Ruiz.

Bagaman at OFW sila ay malamang na wala silang suweldo at walang mai-remit sa kanilang mga pamilya sa Pinas. Sila ay mga katulong ng mga misyonaryong  Kastilang pari.

Ang pinakaunang OFW sa Pinas ay isang taong ang tawag ng mga Kastila ay Enrique, isang Visaya. Wala rin siyang suweldo dahil alipin lamang siya ng mga banyaga, in particular, ni Magallanes.

Si Enrique ang kauna-unahang nag-travel around the world, not once but twice.

Magmula sa Visaya, nakarating siya sa India or somewhere at sa Spain, at sa Cebu, at tumakas papuntang India uli hanggang sa makabalik sa Spain. Nang hindi na siya alipin ay bumalik daw uli itong taong ito sa Cebu.

Pero hindi si Enrique ang tinatawag na nag-circumnavigate ng mundo kung hindi isang Kastila. Nasaan ang hustisya? Na circumvent yata si Enrique.

Isa pang OFW ay si Marcelo H. del Pilar na na-recruit ni Jose Rizal para maglabas ng diyaryo sa Spain. He was fired or dismissed by Rizal sapagka’t ang ipinaglaban niya sa Spain ay independence at hindi ang constitutional reforms ni Jose.

Magmula noon ay hindi na siya nakatanggap ng suweldo kina Rizal at barkada. Namatay siyang dilat ang mga mata. Naging pulubi siya sa Spain, iniwan ng mga recruiter at iniwang walang pamasahe pauwi.

Ako ay naaawa kay Marcelo na ang pen name ay Plaridel. Naiuwi lang ang kanyang bangkay sa Pinas mga 10 years ago.

Ako ay miyembro ng Samahang Plaridel, isang samahan ng mga mamamahayag.

Dati rin akong estudyante ng Plaridel High School, pero ni minsan, walang na tuwid tungkol sa mga nang-api kay Plaridel sa kamay nina Rizal at mga kasangga niya sa
Spain.

Si Enrique at si Plaridel ay tiyak na wala ring pag-asang maging santo.

Lalo naman sina Gomburza o Fathers Gomez, Burgos at Zamora. Pati ang estatwa nila sa Manila Cathedral ay tinanggal na rin, inilipat sa Paco Park, kasama si Rizal.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply