Danny Lim sa NFA

MUKHANG totoo ang bali-balitang si retired general Danny Lim ng Bureau of Customs (BoC) ang ipapalit kay dating National Food Authority (NFA) Lito Banayo.

Ito kasi ang usap-usapan ngayon ng mga sitsit sa iba’t ibang coffee shop sa bansa at iba pang umpukan dahil putok na raw na pormalidad na lang daw ang kulang sa pag-upo ni Lim sa NFA.

Maging sa BoC ay malinaw pa sa sikat ng araw ang paglipat ni Lim sa NFA dahil may blessing na raw ito ng Malakanyang.

Personal daw umanong hiniling ni Lim sa Palasyo na mailipat siya sa Bigasang Bayan dahil mas gusto raw nito ang may sariling kaharian di raw gaya sa BoC na isa lang siya sa mga tauhan ng naturang ahensiya.

Sabagay deserving naman si Lim sa anomang pwestong kanyang aasamin dahil magaling naman talaga ang retiradong heneral, bukod pa sa may angkin itong prinsipyo na talagang nakabase sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Panalo ang NFA sa sandaling matuloy nga si Lim na maupo rito dahil bukod sa masipag ang dating sundalo ay tiyak na titino pa ang naturang ahensiya sa mga bulok na tauhan nito na animo’y nabubulok na bigas sa bodega nito.

###

Pukpukan na ang laban sa labanan sa lokal na pulitika.

Kagaya sa lungsod ng Malabon ay 5 kandidato sa pagka-bise alkalde ang maglalaban-laban.

Kanya-kanyang gimik na sina Vice Mayor Dado Cunanan, Councilors Edwin Dimagiba, Eddie Nolasco, Jenny Sandoval at Liga ng mga Barangay President Paulo Oreta.

Tagisan ng galing at gulang sa pulitika ang labanan sa Malabon kaya’t asahan na nating magiging makulay ang laban rito.

Ganyan kagaling si Mayor Len Len Oreta ng Malabon dahil sa kabila ng 5 vice mayor ang maglalaban-laban ay nagawa niya pa ring walang makalaban sa kanyang pwesto.

Abangan na lang natin ang mga magaganap.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply