DAR Secretary, pinasisibak ng mga empleyado, magsasaka

PINAGBIBITIW ng mga empleyado ng  Department of Agrarian Reform  o DAR  ang kanilang kalihim bunsod ng anila’y hindi  na epektibo sa kanyang trabaho sa kagawaran.

Kahapon ng tanghali ay ilang minutong isinara ng mahigit 100 emplayedo ng DAR  at tatlong grupo ng magsasaka ang kalahati ng Elliptical circle bilang bahagi ng kanilang protesta laban sa liderato ni Sec. Reyes at ilang kasamahan nito.

Ayon sa Deparment of Agrarian  Reform Employees Association (DAREA ) at Save Agrarian Reform Alliance o SARA sa idinaos na convocation noong Lunes sa DAR central, ipinangako sa kanila ni Sec. Virgilo Delos Reyes na gagawan niya ng paraan na maibasura ang item No. 5 hinggil sa proposed budget ng DAR sa 2013 (DAR PBD funds ) na maisalin o mailipat sa Department of Agriculture (DA) ang pondo at ang pagbabawas ng empleyado sa kagawaran .

Ngunit nagbago na, aniya, ito matapos humarap si  Sec. Delos Reyes sa budget hearing sa Senate  Committee on Appropriations kung saan pinapaboran na anila ni Delos Reyes ang pag-aamyenda sa nasabing item No. 5 na unang tinutulan pa niya .

Hindi na, anila, maganda ang itinakbo ng sinasabing accomplishment ni Delos Reyes mula January hanggang Agosto kung saan umabot lamang sa 42,234 ektaryang sakahan ang naipamahagi mula sa kabuuang target na 180,000 na ektarya na nagbigay lamang ng 23.5% na accomplishment rate sa kanya .

Sumuporta din sa pagpapatalsik sa kalihim ang Catholic Bishop of the Philippines (CBCP) at mga grupo ng magsasaka na kinabibilangan ng SAMANABASU, Samahang Magsasaka ng 124 ektarya at ang SAMANACA na nagkampo na sa labas ng tanggapan ng DAR.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply