Dating Pangulong Arroyo namayat

MANANATILI si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City habang gumagawa ng paaran ang kanyang mga abogado ng paraan para mai-quash ang kasong plunder na isinampa sa Sandiganbayan.

Sinabi ni lawyer Anacleto Diaz na “I’m no doctor, but I’ve seen her deterioration.” Narinig niyang pinag-uusapan ng mga doktor ni Arroyo na nabawasan ng 35 pounds ang kanilang pasyente.

Sinabi rin ni Diaz na inaasahan na ni Arroyo na i-quash ng Sandiganbayan ang kanyang motion for reconsideration hinggil sa arrest warrant na ipinalabas nitong nakaraang linggo kaugnay sa plunder raps na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y maling paggamit ng P366 million Philippine Charity Sweepstakes Office funds.

“She was saddened…but she already expected this,” pahayag pa ni Diaz.

Naresolba na aniya ng Sandiganbayan ang mga naunang “pleas” para maunang madetermina kung ang plunder charges ay sisikad kahit pa ang kaso ay walang sapat na ebidensya.

Sa kabila nito, plano ng kampo ni Arroyo na magsampa ng isang bail petition sa non-bailable charges.“Even in non-bailable offenses, the accused is given an option to file if she believes the evidence is not strong,” dagdag pa ni Diaz.

Sasabihin din nila sa anti-graft court na utusan ang Ombudsman na isama ang resolusyon ng isang panel na nauna ng inirekomenda ang mas mababang offense ng technical malversation at paglabag sa anti-graft laws.

“Even the Office of the Special Prosecutor has acknowledged they don’t have a copy of the panel’s resolution,” pahayag pa ni Diaz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply