Dating Pangulong Arroyo tatalima sa VMMC detention rules

SUSUNOD sa mga inilatag na kondisyon ng Sandiganbayan ang dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para makapanatili ang pagkakakulong nito sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Sinabi ni Atty. Raul Lambino, na wala naman silang nakikitang problema sa nasabing mga kondisyon, dahil ang mahalaga aniya sa dating pangulo ng bansa ay mapabuti ang kalusugan nito.

Una nang ipinaliwanag ni Sandiganbayan spokesperson Renato Bocar, na kabilang sa mga kondisyon na ipinataw ng anti-graft court ay ang pagbabawal sa paggamit nito ng cell phone, internet at iba pang gadgets habang nasa VMMC detention.

“Wala naman po tayong problema diyan. Ang mga iyan po ay nakasaad sa rules of detention na ipinapatupad ng Philippine National Police. Tayo nga po ay nagpapasalamat sa PNP at sa Sandiganbayan sa pagpayag nila sa kahilingan ng ating dating pangulo,” ani Atty. Lambino.

Maliban sa bawal din ang media interview, ipinauubaya rin ng korte sa Philippine National Police (PNP) ang usapin ng pagtanggap ng bisita ng dating pangulo.

Samantala, ipinauubaya naman ni Atty. Lambino sa mga doktor ng former president ang pagtukoy kung kailan maaari itong humarap sa korte para sa arraignment ng kasong plunder.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply