Dating sundalo arestado sa pagpapaputok ng baril

MISTULANG hindi kinaya ng isang dating sundalo ang espiritu ng alak na kumokontrol sa kanyang pag-iisip nang ipagyabang nito ang kanyang bitbit na baril at walang habas na nagpaputok sa gitna ng kanilang masayang inuman kamakalawa ng gabi sa Las Pinas City.

Pinakakasuhan ni Las Pinas police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula ng kasong alarm and scandal at indiscriminate firing sa piskalya ang dating sundalo ng Philippine Army na si Alvin Quiozon, 37,  residente ng Barangay Talaba, Bacoor, Cavite at nagsisilbi bilang security guard ng GAS Security Agency na nakatalaga sa Kuwait Embassy sa Makati City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa bahay ng kanyang mga kaanak si Quiozon sa Banaba Islang Barangay sa Zapote at nang malasing ay ipinagyabang ang dalang lisensiyadong baril na may permit to carry bago walang habas na pinaputok ito na naging dahilan upang mahintakutan ang mga naninirahan sa naturang lugar.

Itinawag naman ng isang Nora Baganay sa Zapote Police Community Precincnt (PCP) ang pangyayari kaya’t inabutan pa ni PO1 Ismael Banday, kasama ang mga opisyal ng barangay ang suspect na kaaagad na dinakip.

Sinabi ni Sapitula na irerekomenda niya sa Firearms and Explosive Division na mabawi ang lisensiya at permit to carry ng baril ng dating sundalo matapos makuha sa lugar ang siyam na basyo ng calibre .45 mula sa kanyang pinaputok na baril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply