Davao Oriental nilindol ng magnitude 5.3

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang alas-2:28 kaninang madaling araw nang maramdaman ang lindol sa layong 169 kilometro silangan ng Mati, Davao Oriental.

Nabatid pa sa Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig habang wala namang napaulat na nasaktan o nasirang ari-arian.

Kahapon ay dalawang lindol ang napaulat na naramdaman sa nasabi ring lalawigan. Unang naramdaman bandang alas-6:10 ng umaga ang magnitude 4.5 na lindol sa silangan ng bayan ng Cateel at pagkilipas ng isang oras ay magnitude 3.6 ang tumama sa Governor Generoso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply