Dayalogo isinusulong sa pagitan ng MILF, BIFM

ISINUSULONG ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang dayalogo para humupa ang sitwasyon sa barangay Libutan sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao makaraang magkasagupa ang puwersa nila at Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).

Ayon kay Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF-MILF) Spokesman Von Al Haq, agad na nagtungo sa lugar ang CCCH at IMT para ayusin ang gulo.

Naglaban ang dalawang puwersa noong Huwebes dahil sa territorial dispute na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa katao habang anim ang sugatan sa sagupaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply