Dayalogo sa cybercrime law pinaplantsa ng Palasyo

PINAPLANTSA na ng Malakanyang ang isang dayalogo sa kotrobersiyal na Anti-Cybercrime Law upang maiayos na ang naturang batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, isasagawa ang dayologo sa drafting ng implementing rules and regulation (IRR) para
bubusisiin ng Palasyo ang ilang probisyon sa nasabing batas.

Ang hakbang ng Palasyo ay kasunod na rin ng sunod-sunod na petisyong inihain sa korte Suprema para humingi ng Temporary Restaining Order (TRO) sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na kinukuwestiyon ng mga petisyoner ang ilang probisyon tulad ng online libel.

Itatakda ang dayalogo ng Department of Justice na isa rin sa magbabalangkas ng IRR sa nasabing batas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply