Deadma kapag tinatanong sa aktor na manliligaw

DINAAN na lang sa pagkain ng kropek  ni Kris Bernal nang uriratin sa presscon ng ‘Coffee Prince’ tungkol sa pagpapatigil kay Carl Guevarra na manligaw sa kanya.

“Ayokong ma-distract, eh,” sey ni Kris.

Hindi naman daw ang leading man niyang si Aljur Abrenica ang dahilan kaya niya pinapatigil si Carl. Aminado siyang hindi na madalas ang communication nila pero hindi pa rin totally nawala ang pagte-text sa kanya ng guwapong binata.

“Nagti-text-text siya. Nangungumusta. Pero siguro, naiintindihan niya na busy ako sa taping. Sinabi na kasi ‘yon na pag taping, ayokong may ka-text,” hirit  niya.

Ayaw diretsahin ni Kris na binasted niya si Carl pero buong-buo niyang sinabi na wala nang expectations sa kanila.

Hindi rin sinasara ni Kris ang door kung sakaling magka-inlaban sila ng kanyang ka-loveteam na si Aljur. Ipinauubaya na lang daw niya ito kay Lord.

Basta ngayon, maraming fans ang happy dahil nagbalik na naman ang kanilang tambalan at mapapanood na sila araw-araw sa GMA 7.

-0o0-

MATAGAL nang nali-link ang LUV U star na si Marco Gumabao sa on-screen partner nito at former Goin’ Bulilit star na si Miles Ocampo ngunit ilang beses na ring itinatanggi ng huli na merong namamagitan sa kanilang dalawa.

Ngunit sa pagdating ng bagong babae sa buhay ni Marco, tila hindi mapakali si Miles. Ito na kasi ang parating kasama ni Marco sa taping.

“Sweet po talaga ‘yang si Marco sa lahat ng friends nya,” ani Miles ng tanungin tungkol sa bagong ‘babae’ ni Marco na si Tippy Dos Santos.

Talbog!.

-0o0-

BUONG ningning na sinasabi ni Maja Salvador na sana raw ay tumigil na ang mga nang-iintriga sa gender ni Enchong Dee.

Kilala raw niya ang pagkatao ng kanyang kaibigan at kapareha sa seryeng ‘Ina, Kapatid, Anak’ na magsisimula mamayang gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN 2.

Bukod kina Maja at Enchong bida rin sina Kim Chiu, Xian Lim. Bahagi rin ng programa ang highly-acclaimed seasoned actors na sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera; at ang tatlo sa pinakanirerespetong veteran stars sa Philippine showbiz na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Gutierrez.

Sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin, ang Ina Kapatid Anak ay malalim na kwento ng pakikipaglaban para sa pag-ibig at karapatan.

‘Lam mo na?

-0o0-

HINDI talaga mapapasubalian ang lakas ng tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Talagang panahon ng dalawang bagets dahil kahit sa ratings ng serye nila ay naungusan ang ‘Walang Hanggan’ nina Coco Martin, Julia Montes, Richard Gomez at Dawn Zulueta noong September  na ayon sa Kantar Media ay umabot ng 37.7%.

Pumapangalawa na lang ang Walang Hanggan sa nakuha nitong 36.6% na national TV rating, habang ang weekend programs namang Wansapanataym at Maalalala Mo Kaya ang nakakuha sa ikatlo at ikaapat na pwesto sa top 15 programs at parehong pumalo ng national TV rating na 33.8%.

Samantala, TV Patrol pa rin ang nag-iisang newscast na pasok sa top 15 programs. Lumakas rin ang Aryana sa 24.5%

Ang iba pang Kapamilya programs na nasa top 15 ay Kapamilya Deal or No Deal (26.8%), Rated K (25.9%), Goin’ Bulilit (23.2%), Be Careful With My Heart (22.9%), Lorenzo’s Time (19.6%), Sarah G. Live (19.4%), at The X Factor Philippines tuwing Sabado (18.7%).

Namayagpag  pa rin ang Primetime Bida ng ABS-CBN ngayong September. Labintatlo naman sa listahan ng 15 pinakapinanood na programa noong Setyembre ang nakuha ng ABS-CBN, na nasungkit din ang top 10 rito.

Bongga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply