Debris ng SoKor rocket ‘wag galawin – NDRRMC

NAGBABALA ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi dapat galawin ang ilang debris ng rocket na pinakawalan ng South Korea sakaling bumagsak sa karagatan o kalupaan ng Pilipinas.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, pawang mga awtoridad lamang ang dapat kumuha sa mga bumagsak na debris.

Sinabi ni Ramos, na matagal ng inisyatibo ng pamahalaan ng Pilipinas ang maghanda sa posibleng pagbagsak ng debris ng mga rocket ng mga karatig bansa.

Ito, aniya, ay bilang paghahanda sa posibleng delubyo na idulot sakaling pumalpak ang paglulunsad ng mga rocket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply