Delivery boy, patay; 1 pa sugatan sa riding in tandem

PATAY ang isang delivery boy habang sugatan naman ang isang 20 anyos na lalaki matapos magpaputok ng baril ang riding in tandem kaninang madaling araw sa Tondo,Maynila.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Rodel Ocampo,k33,ktaga 753 Favia St.Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa ulo habang inoobserbahan naman si Raymond de la Cruz, 20 ng 761 C Favia St. Tondo, Maynila na nagtamo naman ng tama ng bala mula sa .45 kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles Duran, dakong ala 1:30 ng madaling araw ng mangyari ang insidente sa harap ng basketball Court sa Favia St.

Ang biktima ay nakikipag-inuman umano sa kanyang mga kaibigan ng pumarada ang kulay puti at pulang Enduro motorsiklo ng mga suspek may 20 metro ang layo sa kanilang puwesto.

Natawag umano ang pansin ng grupo ng biktima ng magpatay sindi ang headlight ng motorsiklo habang nakatutok sa kanila ang ilaw.

Ilang minuto lamang ang nakalipas nang bigla na lamang umanong sumulpot sa likuran ng biktima ang  suspek na nakasuot ng kulay berdeng t-shirt, may taas 5’5-5’6 at armado ng .45 kalibreng baril at walang sabi-sabing binaril sa ito sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na sumibat ang suspek at sumakay sa motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek na nakasuot ng itim na long sleeve t-shirt at naka helmet.

Tinangka naman ng kainuman ng biktima na habulin ang mga suspek ngunit muli silang nagpapautok ng baril dahilan naman upang tamaan ng ligaw na bala sa tiyan si dela Cruz na nakatayo di kalayuan sa lugar ng insidente.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply