Demolisyon kay Binay at untouchable na “U-2 Club”

KAMAKAILAN, nang lumutang ang balita ukol sa desisyon ng Sandiganbayan ukol sa “graft and corruption”  laban sa asawa ni Vice Pres. Jojo Binay na si dating Makati City Mayor Elenita Binay, kaagad sinabi ng mga Binay na ito ay isang “demolition job!” Weeh!

Talaga? Bakit, hindi ba totong nagkaroon ng overpricing sa pagbili ng milyones na office furnitures?

Hindi ba totoong iisa ang address ng “bidders” bilang patunay na nagkaroon nga ng hokus-pokus sa isinagawang bidding kuno?

Alin ang demolition job?

Kaya nga hindi ko masisisi, parekoy, si Korina Sanchez nang sabihin nitong maliliit na maiitim na maligno!

Mukha ngang may maliliit na nagmimilagrong maligno sa City hall ng Makati. Hindi ko lang tiyak ang tinutukoy ni Korina na maiitim… Ang budhi ba, madam? Hak, hak, hak!

Opps, tatakbo nga pala, parekoy, bilang senadora ang isang anak na babae ni Binay.

Sino ba siya? Ano ba ang nagawa o magagawa niya?

Tangna, parekoy, ‘wag ninyong maitanong sa akin ‘yan.

Basta ang alam ko ay anak siya ni Vice Pres. Jojo Binay.

Ang pinatutungkulan ni Korina na maitim na maliit na maligno! Hak, hak, hak!!!

-o0o-

ILANG beses na nating ibinulgar dito ang tungkol sa napaulat na talamak na totnakan sa loob ng U-2 Health Club na nasa dulo ng Macapagal Boulevard pero mistulang nagtetengang kawali lamang ang DOH, lalo na si Parañaque Mayor Bernabe.

Siyempre, lalo namang hindi kikilos ang kapulisan lalo na kung nararamdaman nilang may basbas ito ni meyor!

Sa loob nitong U-2, nagaganap umano maging ang tinatawag na “sex orgy” o dalawang babae na sabay ikinakama ng kostumer!

Idagdag pa na karamihan sa mga kostumer nitong U-2 ay mga foreigner.

Kaya nga, maliban sa maaaring maging pabrika ito ng mga sexually transmitted disease ay maliwanag na bawal ito…kung totoong may totnakan!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply