Dengue sa Cordillera Region, tumaas

TUMAAS ang kaso ng sakit na dengue sa Cordillera region.

Ayon sa Department of Health (DOH-Cordillera) umabot na sa 711 kaso ng naturang sakit ang naitala sa lalawigan ng Benguet, 538 sa lungsod ng Baguio samantalang 337 naman sa probinsya ng Apayao.

Ang nasabing bilang ay naitala lamang mula sa buwan ng Enero hanggang buwan ng Oktubre ngayong taon kung saan tumaas ng isang porsiyento.

Pinag-iingat naman ng DOH ang mga residente  lalo na sa mga lugar na may pinakamataas na kaso ng sakit na dengue upang makaiwas sa nakakamatay na sakit.

Pinayuhan din ng DOH ang mga residente na laging panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at magpatupad ng Oplan Taob  upang masira ang mga pinamumugaran ng mga lamok na may dalang dengue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply