Dentista hinoldap ng 2 nagpanggap na pasyente

NATANGAYAN ng malaking halaga ng salapi ang isang dentista makaraang holdapin ng dalawang armadong lalaki sa loob ng kanyang dental clinic sa Barangay Poblacion, San Pascual, Batangas.

Batay sa ulat ng awtoridad, umaabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng mga tinangay ng dalawang suspek kay Dr. Melvion Adel, 38-anyos.

Ayon sa pahayag ng biktima, nagpanggap na magpapabunot ng ngipin ang dalawang suspek sa klinika ng biktima at nang tuluyang makapsok ay saka nagdeklara ng holdap.

Iginapos at ikunulong ng mga suspek ang mga biktima kasama ang isang pasyente sa banyo.

Pagkalipas ng 10-minuto ay tumakas na ang mga suspek na ginamit pa sa pagtakas ang Toyota Fortuner ng dentista.

Narekober lamang ang sasakyan ng biktima sa Barangay Banaba West, Batangas City.

Wala namang CCTV camera sa klinika ng dentista kaya hindi nakunan ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply