Dentista kritikal sa tarak ng nagpanggap na pasyente

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang babaeng dentista makaraang saksakin ng nagpanggap na pasyente sa Kaybiga Caloocan City.

Nakaratay at inoobserbahan sa MCU Hospital ang dentistang si Gloria Froncisco, 53, may-asawa, at residente ng 716 Gen. Luis St., Vista Verde Kaybiga ng lungsod sanhi ng tinamong malalim na saksak kaliwang likuran.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Dinnes Catabay, nasa hustong gulang, ng NPC compound, ng nasabing baragay.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng klinika sa nasabing lugar.

Nagpanggap na pasyente ang suspek na nagsabing magpapabunot ng ngipin.

Pagkapasok sa loob ng klinika ay agad na inilabas ng suspek ang dalang kitchen knife at sinabi sa dentista na: “Pasesya na doktora kailangan ko ang limang libong piso.”

Tumanggi ang dentista at sinabing wala siyang cash na ikinagalit ng huli.

Nang tangkaing tumakas ng biktima ay dito na siya tinarakan ng saksak sa likuran.

Narekober ng awtoridad ang duguang patalim na naiwan ng tumakas na suspek.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya habang isang manhunt operation ang inilatag laban sa suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply