Petilla itinalaga na ni PNoy bilang DOE chief

ITINALAGA na ni President Benigno Aquino III si outgoing Leyte Gov. Jericho “Icot” Petilla bilang bagong secretary ng Department of Energy (DOE), kapalit ni Jose Rene Almendras, na gagawin namang Palace official.

Unang naglabas ng balita ay ang ina ni Petilla na si Remedios, kasalukuyang mayor naman ng Palo.

May higing na magiging Presidential Management Staff chief or chief of staff si Almendras.

Lumalabas na pinili ni PNoy si Almendras para maging Palace staff dahil nais nito ng “manager” na posibleng ipalit kay PMS chief Julia Abad.

Matatandaan na nauna nang nagpahayag si PNoy noon sa kanyang pagtungo sa Leyte na posible niyang i-appoint si Petilla para mapabilang sa kanyang Gabinete.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply