DepEd: Oktubre 22-26 semestral break

ITINAKDA ng Department of Education (DepEd) ang semestral break simula Oktubre 22 hanggang 25.

Habang una nang ideneklara ng Malakanyang na holiday at walang pasok sa eskwela sa Oktubre 26, Biyernes dahil sa paggunita ng mga kapatid na Muslim sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice na pumatak sa nasabing araw.

Ayon sa DepEd tuloy ang semestral break kahit nagkaroon ng mahabang suspensyon ng klase dahil sa malawakang pagbaha noong mga nakalipas na buwan.

Ipinaliwanag ng DepEd na nagkaroon naman ang mga paaralan ng make-up classes nitong mga nakaraang weekend.

Sinabi rin ng DepEd na ang isang linggong sem break ay gagamitin para sa taunang mid-year assessment ng mga guro.

Magbabalik ang klase ng pre-school hanggang high school sa Oktubre 29, araw ng Lunes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply