Derek naging kawawa nang lumipat sa TV5

MASYADO raw kinakawawa ng Kapamilya network ang aktor na si Derek Ramsay. Ni ang pangalan nito ay ayaw daw ipabanggit sa mga programa ng Dos. Parang pinalalabas na aping-api ito. Paano naman naging api ito eh, kumikita raw ito nang malaki sa TV5? May bago na ring siyota. Kumbaga, kumpleto na ang buhay nito.

Pero hindi nga ‘yan ang nakikita ng publiko sa kanya. Nang lumipat siya sa Kapatid network ay biglang lumaylay ang kanyang career. Kaya ang tamang sabihin, naging kaawa-awa siya nang umalis sa ABS-CBN.

At dahil hindi na nga mainit ang career ni Derek, pati ang bagong pelikula nito ay matamlay din sa takilya. Kahit pa dinagdagan ng mga eksenang kabastusan, wala pa ring dating sa movie-going public.

Pero nakapagtatakang may mga pralalang lumalabas na tinatalo na raw ng movie na ‘to nina Anne Curtis, Andi Eigenmann at Derek ang blockbuster hit na No Other Woman na kumita noon nang kabuuang P279 million. Nang magsaliksik naman kami ay puro padding lang pala ang figures na inilalabas nila. Susme!

At para patunayang kumikita nang malaki ang pelikulang ito, aba’y nagpatawag daw ng thanks-giving party ang viva.

***

Phenomenal finale ng ‘Walang Hanggan’ No. 1 sa ratings worldwide, trending topic pa

HANGGANG sa huli, namayagpag ang phenomenal TV drama ng ABS-CBN na “Walang Hanggan” sa national TV ratings at maging sa worldwide trending topics ng sikat na microblogging site na Twitter.

Ayon sa datos ng Kantar Media noong Biyernes (Oktubre 26), No.1 sa listahan ng overall top programs nationwide ang finale episode ng teleseryeng pinagbibidahan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa, Melissa Ricks, Joem Bascon, Paulo Avelino, Julia Montes, at Coco Martin, taglay ang 45.4% national TV ratings, o lampas 29 puntos na kalamangan kumpara sa farewell episode ng katapat nitong programa sa GMA na “Luna Blanca” na nakakuha lamang ng 16.1%.

Bukod sa ratings, naghari din ang phenomenal finale ng “Walang Hanggan” sa Twitter kung saan naging worldwide trending topics ang mga hashtag na #WalangHangganFinale, Katerina, Paulo Avelino, at RIP Daniel dahil sa dami ng tweets tungkol sa magkasunod na pagkamatay ng mag-asawang Daniel (Coco) at Katerina (Julia).

Bumuhos ng positibong tweets tulad ng “@LoveAprille: Congrats to the cast and crew for the #WalangHangganFinale! We stayed up in Sydney just to watch it! You all did an amazing job;” “@JelaiSalomeo: It was my first time to witness a happily ever after. It wasn’t good. It was brilliant! #WalangHangganFinale;” at “@axlguillermo: Sobrang ganda talaga ng ending ng #WalangHangganFinale. Talagang pinaghandaan nila. Congratulations po sa lahat ng cast at crew. Mahusay!”

Bahagi ng “Walang Hanggan” powerhouse cast ang mga de-kalibreng aktor kabilang sina Nonie Buencamino, Ogie Diaz, Arlene Muhlach, Eda Nolan, John Medina, Shamaine Buencamino, Josh Ivan Morales, Valerie Concepcion, Dante Rivero, Richard Yap, at Eula Valdes. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit.

Ang iniwang timeslot ng “Walang Hanggan” sa Primetime Bida ay inuokopa na ngayon ng “Ina Kapatid Anak,” na mapapanood matapos ang “Princess and I.”

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!         

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply