Derek Ramsay, mum is the word sa kanyang lovelife! (Ganuned?)

PINUTAKTI ng tanong si Derek Ramsay kung sino na ang ipinalit niya kay Angelica Panganiban pero nananatiling ‘A Secret Affair’ ang drama niya. Sakto lang sa pelikula nila nina Anne Curtis, Andi Eigenmann na showing sa October 24.

“Secret pa lang. Masaya Ganon rin naman ako nu’ng nag-uumpisa kami ni Angel, one year niyong sinasabi na kayo na pero hindi kami. Hindi pa kami nu’n. One year bago naging kami,” deklara niya. Pero hindi dine-deny ni Derek na very happy siya sa personal life niya ngayon.

Hiningan na lang siya ng clue kung sino ang nagpapasaya sa kanya. Isang non-showbiz girl na nakilala niya sa sports. Hindi raw niya ito model. Walang celebrity status raw ito. Gusto niya kasi ay non-showbiz ang next na karelasyon niya.

Kasama ba ito sa ‘Amazing Race Philippines’ na iho-host niya sa TV5? “Tot..tot..tot,” sagot lang niya sabay pindot sa mga cellphone ng reporter na nagre-record ng interbyu sa kanya.

Ayaw na raw niya ng high profile relationship at halos lahat ay binabantayan sila at pinapanood.

Mas gusto niya na mas pribado ngayon ang mauugnay na babae sa kanya.

Mahirap kasi ang pinagdaanan nila ni Angel na parehong nasa spotlight.

“Gusto ko simple,” aniya pa.

‘Yun na!

-0o0-

GAGAWING teleserye sa Cambodia ang matagumpay na ABS-CBN teleseryeng Pangako Sa’Yo, tampok sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, matapos bilhin ng Cambodian Television Network (CTN) ang format ng naturang drama sa ABS-CBN para ipalabas sa kanilang local channel sa Cambodia.

Sisimulan na ng CTN sa pagpasok ng 2013 ang kanilang local remake ng Pangako Sa ’Yo, na siyang pinakamatagumpay na canned Filipino TV series na naibenta at naipalabas sa iba’t ibang bansa, at patuloy naman ang paghahanap ng Cambodian production group para sa mga gaganap sa papel nina Angelo at Yna.

Muli na namang nakagawa ng kasaysayan ang ABS-CBN sa pamamagitan ng International Distribution Division nito, sa naisarang kontrata sa CTN dahil ang naturang serye ang pinakaunang drama format na ilo-localize sa ibang bansa. Kilala ang ABS-CBN sa paggawa ng world-class drama series at ngayon ay humahanay na rin ito sa mga kilalang content suppliers sa mundo.

Mahigit 30,000 oras na sa halos 50 teritoryo worldwide ang naibenta na ng International Distribution Division. Ang mga canned program ng Dos, o mga seryeng ipinapalabas at isinalin sa lokal na lengguwahe ng isang bansa, ay namayagpag na at patuloy pang namamayagpag sa mga lugar sa Asya, Europa, at Africa.

Isa ang “Lobo”, na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Piolo Pascual, sa pinakabagong dagdag sa listahan ng mga titulong tinatangkilik ng mga banyagang manonood dahil malapit na itong mapanood sa Thailand bilang pinakaunang Filipino series na eere sa Thai television.

Ayon kay ABS-CBN International Distribution head Leng Raymundo, ang mga teleserye ng Pilipinas lalo na ang mga gawa ng ABS-CBN ay mainit na tinatanggap sa ibang bansa dahil sa international appeal ng mga tampok nitong artista; tamang haba ng serye na swak sa pangangailangan ng mga TV network sa kanilang program schedules; at tema o nilalaman na may universal appeal o madaling makatukuyan ng mga manood.

“Kinikilala at hinahanap ng global viewers ang mga programa ng ABS-CBN dahil nanatili itong totoo at sensitibo pagdating sa kultura. Ito ay may global appeal, magandang kuwento, mataas na production value, at siyempre mga gwapo at magagandang artista,” sabi ni Raymundo.

Ang mga Kapamilya programs, karamihan sa drama format, ay naisalin na sa wikang Ingles, Khmer, Mandarin, Bahasa Melayu, Vietnamese, Turkish, Russian, at French. Nilagyan din ito ng subtitles sa Bahasa Melayu at Romanian.

Gumawa rin ng kasaysayan ang Tayong Dalawa bilang pinakaunang Filipino program sa telenovela belt ng Singapore habang ang Sana’y Wala ng Wakas naman ay mainit na tinanggap ng mga manood sa Malaysia kung saan mas mataas pa ang natamo nitong ratings kaysa sa tanyag na US hit series na Smallville.

Sa mga teritoryo namang nagsasalita ng French, ang “Magkaribal” ay patuloy na tinatangkilik habang mas lalo pang dumarami ang nanood nito habang nakasalin sa kanilang wika.

ABS-CBN International Distribution rin ang unang nakapasok at nagbenta ng content sa bansang Myanmar nang umere ang “My Girl” rito noong 2011.

Dagdag pa ni Raymundo, mas maraming international dealers ang nagpapahayag ng interes para bilhin at makuha ang iba’t ibang programa ng ABS-CBN. Sa katunayan, ang tagumpay ng mga nauna ng napalabas na programa ng ABS-CBN sa ibang bansa ay naging daan para na rin mas lalong sumikat ang Kapamilya stars na tampok sa mga ito sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hanggang ngayon ay may banyagang fans na sina Jericho at Kristine matapos ipalabas ang Pangako Sa’Yo sa mahigit 20 teritoryo simula 2002. Ipinalabas na ito China at pumangalawa pa sa lahat ng programang umeere sa buong bansa.

Kwento mismo ni Jericho, dinumog raw siya ng kanyang African fans nang minsan ay pumunta siya sa bansang Ghana. Marami ang nagpa-picture sa kanya at tinatawag pa siya sa kanyang pangalan sa serye. Sobrang sikat niya sa bansa na hindi na siya nakalabas ng hotel para na rin sa kanyang kaligtasan.

Inaasahang mas lalo pang pag-iibayuhin ng ABS-CBN International Distribution ang layunin nitong ipakilala sa ibang bansa ang mga programang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig nga line-up ng mga programa at maging pelikula na iaalok at ibebenta sa iba pang teritoryo worldwide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply