Desididong magka-anak at 33!

GOOD for Jodi Sta. Maria na ayaw nitong mag-imbibe ng negativity. Pina-re-react kasi ang aktres na kilala nga yon as “Maya” sa prime-tanghaling serye sa ABS-CBN, ang Be Careful with My Heart, tungkol sa pakikipagtapatan ng isang bagong serye ng Kapuso sa kanilang show.

“E, ‘di masaya?” reaksiyon ng single-parent sa anak na si Thirdy.

At least raw, magkakaroon pa ng trabaho ang ilang nangangailangan kapag maraming shows na sumusulpot o ginagawa.

Kaya siguro magaan ang dating ng suwerte kay Jodi kasi nga’y hindi lang sariling kapakanan ang iniisip.

O, di ba, naisip pa niyang isaalang-alang ang kabuhayan ng mga kumakalaban sa kaniya?

Until 2013 pa ang seryeng Be Careful with My Heart with Richard Yap, a.k.a. sir Chief at mukhang unkabogable ang nasabing programa bago mag-It’s Showtime.

—@@@—

BUMAGAY kay Kris Aquino ang suot na black terno sa Walang Hanggang Pasasalamat na ginanap sa Araneta Coliseum last Sunday. Natoka ang Queen of All Media para interbyuhin sina Richard Gomez at Dawn Zulueta at nagtagumpay ang taklesang tv host na pakiligin ang 15,000 capacity crowd ng Big Dome na talaga namang walang sawang sumusubaybay sa pagwawakas ngayong week sa Kapamilya.

Ipinagmalaki pa ni Kris ang kasuutuan na kitang-kita ang kanyang cleavage. Isusuot raw sana niya ang nasabing damit sa pagsalubong sa mga French delegations sa Malakanyang pero hindi raw ito aprub sa Presidential staff dahil nga medyo may pagka-sexy at kita rin ang likod ng aktres.

Baka nga masermunan siya ni PNoy pagdating galing sa New Zealand at Australia for a mission concerning Philippine economy.

—@@@—

THIRTY three na si Ara Mina, kaya’t aligaga itong magpa-check-up sa kaniyang OB-Gyne, kung siya’y capable pa of having a baby?

Sinigurado naman daw ng kanyang doktor na pwede pa siyang magkaroon ng anak at her age. Sa totoo lang, bata pa si Ara kung tutuusin at kaya pa niyang bigyan ng anak ang dyowa ngayong si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Mukhang kinakarir ni Ara ang pangakong reregaluhan nito ng anak si Patrick kaya’t labis itong nag-iingat sa ngayon.

Nasa plano rin daw nina Ara at Mayor Patrick ang pagpapakasal sa darating na panahon o taon. Boto naman raw kasi ang nanay niyang si mommy Frances sa pulitiko dahil napakabait ng meyor ng Bulacan sa kanyang pamilya, taliwas sa diumano’y ipinagkakalat ni Aiko Melendez, ang ex-GF ng meyor, na diumano’y nambubugbog ng karelasyon ang huli.

—@@@—

NAIPALABAS na ang first part series ng isinagawang ASAP 2012 sa Singapore at sa next Sunday na ang kabuuan.

—@@@—

SA ISANG banda, puring-puri ni Direk Rory Quintos ang Thailand actor. Sey pa ng batikang direktor sa Thai actor na bida sa Suddenly It’s Magic, “I never had any problem directing Mario because aside from being an intelligent actor, he’s also a youngman who did not have any problem adjusting with anybody, considering na ang production staff and the cast were all Filipinos. That really impressed me”!

Harinawang tangkilikin ng Pinoy moviegoers si Mario para masundan pa ng ibang projects ang pagkakapunta niya rito sa ‘Pinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply