Detenidong politikal, abot na sa higit 400

ABOT na sa 400 ang bilang ng detenidong politikal sa bansa, ayon sa grupong Karapatan.

Kahit kalalabas lamang ni National Democratic Front of the Philippine peace consultant Randy Malayao sa Ilagan, Isabela District Jail sa pamamagitan ng bail, dalawang manggagawa naman ang dinukot at ngayo’y nakakulong sa Camp Sotero Cabahug sa Cebu.

Ika-401 na sina Jimmylisa Badayos at Calixto Vistal na dinukot ng Military Intelligence Group ng Armed Forces of the Philippines noong Byernes sa Mandaue Cebu.

Paliwanag ng Kaparatan, isang taon matapos sabihin ng mga opisyal ng gubyernong Benigno Aquino na walang detenidong political sa bansa, limampu’t lima ang mga aktibistang ikinulong, karamihan ay sa gawa-gawang mga kaso.

Sa apat na raan at isang detenidong politikal, isang daan at dalawampu’t tatlo ang inaresto o dinukot sa ilalim ng Gubyernong Aquino, dagdag pa ng Karapatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply