DFA: PHL-China diplomatic relations, pag-uusapan sa Biyernes

MAGPUPULONG ang pamahalaan Pilipinas at China sa darating na Biyernes para pag-usapan ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), isasagawa ang 18th Foreign Ministry Consultations sa Maynila at dito isasakatuparan ang masinsinang pagtalakay kaugnay sa relasyong diplomatiko ng China at ng Pilipinas.

Pangungunahan ni DFA Undersecretary for Policy Erlinda Basilio ang Philippine panel habang si Vice Foreign Minister Fu Ying naman sa panig ng China.

Tumanggi naman idetalye ng kagawaran kung kabilang sa tatalakayin ang territorial dispute ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea partikular sa Scarborough o Panatag Shoal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply