DFA: Walang nadamay na Pinoy sa pambobomba sa Aleppo, Syria

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nasugatan o nasawing overseas Filipino worker (OFW) sa apat na magkakasunod na pagsabog sa Aleppo, Syria noong Miyekrules.

Ayon kay DFA Spokesperson Raul Hernandez, ligtas ang mga Pinoy sa Syria.

Inireport din ng consul-general sa Damascus na may 180 OFW mula sa Aleppo ang uuwi na sa Pilipinas.

Mahigit 4,000 Pinoy, kung saan 90% ang undocumented workers, ang nakatira sa iba’t ibang bahagi ng Syria.

Inaayos na rin umano nila ang exit visa ng 400 household worker sa nasabing bansa dahil matatapos na ang kanilang kontrata.

Umabot na sa mahigit 2,500 Pinoy ang naiuwi na sa Pilipinas mula nang sumiklab ang karahasan sa Syria.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply