‘Di ibinibigay ang lahat-lahat!

PATANGGI-TANGGI ang female host ng The Buzz na si Toni Gonzaga nu’ng biruin namin siya regarding her new show sa ABS-CBN. May nakakita kasi kay Toni na nagti-taping sa isang studio ng Kapamilya network at sa labas ng kanyang dressing room, may nakalagay na title ng kanyang bagong show.

“Wala ‘yun. Nag-a-audition lang ako,” biro ni Toni nu’ng magkita kami sa The Buzz last Sunday.

Anyway, kapag natuloy na talaga ang kanyang bagong show, that will be her third show sa pinirmahang kontrata with ABS-CBN. May ASAP siya sa umaga at The Buzz naman sa hapon every Sunday. Kaya ‘yung pangtalong show, malamang it will be a solo show for the Ultimate Mulitmedia Star.

Nag-birthday naman last week ang kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano. For sure, may bonggang celebration si Direk at special gift from Toni.

Bihira na ang tulad nina Toni at Direk Paul sa ngayon na napananatiling matibay ang relasyon sa kabila ng mga intriga sa showbiz, huh? Isa rin sila sa pinakamatatagal na relasyon ngayon among showbiz stars. Kaya nga ang iba, naiinip na kung kalian ang kasal nila.

Pero sey nga ni Toni, isa sa sikreto ng kanilang relasyon ay ‘yung pareho nilang pagiging busy sa kani-kanilang trabaho. At kahit mahal na mahal nila ang isa’t isa, aminado si Toni na ‘di niya ibinibigay ang lahat-lahat ng mundo niya kay Direk Paul.

“Kasi kapag nawala ang taong pinagbuhusan mo nang todo-todo ng mundo mo, walang mattiira sa ‘yo dahil dala-dala niya. Mas maigi na magtira ka para sa sarili mo. Para meron kang mapag-umpisahang muli kapag nawala ‘yung taong mahal mo,” pahayag ni Toni.

-ooOoo-

PINAPANOON sa amin ni Direk Mark Meilly ang first trailer ng inaabangang historical movie ni Laguna Governor Er Ejercito, ang “El Presidente” nu’ng maintebryu namin siya during the post-production ng kanyang staff.

Kinilabutan kami habang pinapanood ang trailer especially sa makapanindig-balahibong musical scoring ni Jesse Lasaten. Later, we found out na kinu-contact na ni Gov. ER si Gerald Salonga at ang ABS-CBN Orchestra para gumawa rin ng song for El Presidente. Although, ang gagawa raw ng theme song ng movie is no less than the international artist na si Apple de Ap ng Black Eyed Peas.

Biniro nga namin si Gov. ER na more or less, P5M ang ibinayad niya kay Apple de Ap for the theme song of El Presidente pero ngumiti lang siya sa amin sabay tanggi.

Naka-35 shooting days na sila as of last week. Sabi ni Direk Mark, they still have 5 shooting days left. At isa riyan ay ilalaan para sa additional scenes ng Superstar na si Nora Aunor. Bukod kasi roon sa shinoot na ni Nora with Direk Tikoy Aguiluz, may kailangan pa’ng kunan sa kanya na magko-connect sa rebolusyon, sa pagsuko ni Gen. Emilio Aguinaldo, pagkamatay niya, until na-meet niya si Maria Agoncillo, ang role ni Nora sa movie.

“Nasa script ngayon ‘yun. Magsu-shoot pa rin siya. One day lang ‘yun, I think it’s about three scenes, so, ginagawa namin ang paraan na makasama roon si Ate guy,” sabi ni Direk Mark.

Hindi nga makapaniwala si Direk Mark na in just one film ay nai-direk niya ang naglalakihang artista gaya nina Cesar Montano, Christopher de Leon and soon nga, si Nora.

Pero sa laki at ganda ng El Presidente, would you believe na ‘di pa ‘to ang kinu-consider na dream project ni Direk Mark?

Kinuwento niya sa amin ang isa sa kanyang mga dream projects kung saan siya ang susulat at magdi-direk. And according to him, gusto niyang gawin sa pelikula ang buhay ng Amerikanong si Larry Stonehill na nanirahan rito sa Pinas.

And guess who kung sino ang gusto niyang gumanap na Larry Stonehill? Well, ang international star lang naman na si Leonardo DiCarpio, ‘no?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply