‘Di na maka-ek!

HINDI na tikom ang bibig ni Jessy Mendiola pag si JM De Guzman ang pinag-uusapan kumpara rati. Pero pinaninindigan pa rin niya na kaibigan lang niya ito at walang karapatang magselos kay Matteo Guidicelli na ka-partner niya sa “PHR: Paraiso” na magsisimula sa November 5 sa ABS-CBN 2.

“Kasi lagi na lang siyang nagsasalita kaya nahiya naman po ako. Ayaw ko rin namang sabihin nila na siya na lang lagi ang salita nang salita, sabi nang sabi ng mga ganyan-ganyan. Gusto ko rin namang sabihin ‘yung side ko na… opo may time na hindi kami okey kasi kung anu-ano na po ang nasasabi sa TV. Nabibigla ako pero ngayon bago na po, e! Mas natanggap na ng tao at naa-appreciate ‘yung a little honesty,” deklara niya.

Dati raw ay exclusively dating sila ni JM pero sa maikling panahon raw nangyari ‘yun.

“Okey naman kami ngayon. We’re friends,” bulalas lang niya.

Nagkaroon ng isyu na nag-break sila pero ngayon ay okey na naman raw ang dalawa.

“Pinalitan ko po ‘yung number pero nakuha niya. Ngayon, okey naman po kami. Parang normal ulit. Normal rin po na nagkikita kami ulit,” kuwento niya.

Malaking factor ang pagiging honest at sincere ni JM kaya nagsasalita na rin si Jessy tungkol sa rumored boyfriend niya.

“Sobrang sweet niya at passionate. ‘Yun lang ang masasabi ko ngayon. Pinapahalagahan niya ang bawat taong nasa paligid niya. Para sa akin, isa ako sa mga taong nandun sa buhay niya na mahalaga kaya nagpapasalamat talaga ako,” pagsasalarawan pa niya kay JM.

Kung nagkataong wala si JM ngayon, possible bang ma-develop sila ni Matteo dahil ang tindi ng chemistry nila sa ‘Paraiso’.

Balitang sobrang close na sila at inuututan na raw ni Matteo si Jessy sa harapan nito.

“Bakit puwede naman ngayon, a!,” sabay tawa niya.

“Kasi po kami ni Matteo, hindi ko akalain na ganito kami magiging close at open sa isa’t isa pag may problema kami about something. Hindi ko ini-expect ang pagiging humble niya at nice kaya hindi malayo na maging close kami,” sambit pa niya.

Ano ang pagkakaiba nina JM at Matteo? “Athletic si Matteo. Si JM, hindi..singer siya. Hahaha! More on artistic side siya,” sey pa ni Jessy pero aminadong masayang-masaya ngayon at feeling laging nasa paraiso.

Inspirasyon ba niya si JM kaya sinasabi niya ngayon na masaya siya?

“Opo kasi tine-text rin po niya ako. Sinasabi niya, nakita na niya ang trailer ng “Paraiso,” congratulations ganyan, so masaya ako na sinusuportahan rin niya ako,” sey niya.

Ramdam ba niya na sobrang love siya ni JM at mahal na mahal siya?

“Nakakakaba. Ha!ha!ha! Kinakabahan ako everytime na nagsasalita siya kasi hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.

Thankful ako na ganoon siya sa akin.. na kahit papaano open siya sa mga tao. I really salute him for that, lahat ng tao, lahat ng fans bilib  sa kanya,” hirit niya.

Pero paano kung manligaw si Matteo sa kanya, open pa rin ba siya?

“I am not closing my doors to anyone naman..so I guess oo naman. Bakit hindi?,” deklara niya.

May pag-asa ba naman si Matteo?

“Kung manligaw siya. Ha!ha!ha!,” sagot niya.

-0o0-

DUMALO kami sa first year anniversary ng programang Buhay OFW  ng Aksyon TV hosted by Marissa del Mar sa Glorietta 5.

Sinabay na rin rito ang Trade Exhibits. Layon ng programa ang mabigyan ng awareness ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa sa kung saan nila puwedeng ma-invest ang kanilang pera. Sabi ni Ms. Marissa, “The OFWs and their families deserve the best opportunities not only as consumers but also in honing their skills in investing their hard-earned money in livelihood and business enterprises.”

-0o0-

DAHIL sa kanilang karakter sa LUV U bilang magkasintahan na laging magkasama sa halos lahat ng scenes, may kumakalat na balita na hindi na talaga mapaghiwalay ang teen stars na sina Marco Gumabao at Miles Ocampo.

“Ganoon po talaga, marami po kasi kaming scenes na magkasama dahil boyfriend ko po dito si Marco,” ani Miles. “Pero syempre hindi pa rin naman po nawawala yung biruan at asaran naming magbabarkada sa set.”

Sabi naman ni Marco na dahil sa Halloween ang tema ng LUV U ngayong Linggo, mas marami silang kaabang-abang na scenes pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.

-0o0-

MASUSUBOK ang galing nina Vhong Navarro at Carmina Villaroel sa pagluluto sa Toda Max ngayong Sabado (October 27) dahil haharap ang dalawa sa isang showdown na tutukoy kung sino ang mas magaling sa kusina.

“Handang-handa ako dito sa cooking competition namin ni Vhong kasi last year nag-enroll ako sa isang culinary school para mas lalo pa akong gumaling sa pagluluto. Kaabang-abang itong cooking showdown namin,” ani Carmina na guest sa Toda Max.

Gaganap si Carmina bilang si Chef Mina, isang four-time winner ng competition na That’s My Chef. Isang panalo nalang at makakasama na siya sa Master Chef Hall of Fame kaya naman determinado siyang manalo.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply