‘Di nagkasundo: Pacman ‘di lilipat sa ABS-CBN!

KAMAKAILAN ay napabalitang lilipat na raw sa ABS CBN si Manny Pacquiao dahil hindi na umano ito masaya sa GMA-7. May hindi raw napagkasunduan sa pag-uusap kaya ‘di natuloy? Kaya heto’t mananatiling Kapuso ang pound-for-pound King matapos siyang pumirma muli ng kontrata sa GMA Network.

Ikinatuwa ng GMA ang ipinakitang katapatan ni Pacman at patunay lamang ito na hindi niya lilisanin ang bakuran ng Kapuso Network.

Sa kabila ng mga naglalabasang ispekulasyon at balitang lilipat siya ng istasyon, masayang ibinalita ng Pambansang Kamao na masaya siya sa takbo ng kanyang career sa GMA at patuloy na maghahatid ng kasiyahan at magbibigay ng papremyo sa ating mga kababayan sa kanyang programang Manny Many Prizes.

Samantala, magsisimula na ang paghahanda ni Pacman para sa kanyang nalalapit na laban ngayong Disyembre.

***

The Looney Tunes Show magsisimula na ngayong Sabado
 
SIMULA Sabado (October 6), ihahatid tuwing umaga ng GMA ang pinakabagong cartoon program na The Looney Tunes Show.

Iikot ang konsepto ng show sa mag-roommate na sina Bugs at Daffy na nakatira sa isang suburb sa Los Angeles. Sasamahan sila ng kanilang mga kapitbahay na sina Lola Bunny, Tina Russo, Porky Pig, Foghorn Leghorn, Elmer Fudd, Slyvester, Tweety, Granny, Gossamer, Yosemite Sam, Speedy Gonzales, Wile E. Coyote at Road Runner, Marvin the Martian, Pete Puma at marami pang iba.

Mas kaaaliwan ang mga istorya ng The Looney Tunes Show na hindi lamang papatok sa mga bata kung hindi pati na rin sa matatanda. Ilan sa mga episode ay tungkol sa dating, love triangles, pagtatrabaho, at iba pa.

Walang katapusang habulan at kulitan ang ihahatid ng The Looney Tunes Show simula October 6, tuwing Sabado, 7:30am at  tuwing Linggo 7am sa Weekend Kiddie Power block ng GMA7.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.       

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply