‘Di pagdalo ni PNoy sa canonization inasahan

HINDI ikinagulat ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang hindi pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino III sa canonization ni San Pedro Calungsod sa Vatican City, Roma Linggo ng hapon (Manila time) dahil inaasahan na aniya ito.

Ayon kay Cruz, hindi naman aniya nakikiisa si Pangulong Aquino sa mga gawain o banal na pagdiriwang ng Simbahang Katoliko.

Ani Cruz, noon pa man ay kapansin-pansin na ang pagiging malayo ng Pangulo sa Diyos dahil sa umano’y pagsusulong nito ng mga panukalang batas na hindi nakabatay sa turo at doktrina ng Simbahan gaya ng Reproductive Health (RH) Bill.

Nilinaw naman ng arsobispo na ang Pangulo ay isang “consummate politician” kaya hindi ito sumusunod sa turo ng Simbahang Katoliko.

“Ako, personally, ay hindi ko naman inaasahan na ang Pangulong Aquino ay bibigyan halaga ang mga ganitong mahahalagang gawain ng Simbahang Katolika. Kahit anong bagay na may kinalaman sa kabanalan ay hindi ko inaasahan na siya’y makikiisa,” ani Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“So, para sa akin napakahirap sabihin na ang pangulo ay malapit sa mga aral ng simbahan o kaya’y hindi niya naiintindihan, o kaya’y ang pananampalataya niya ay mahina o kaya ay lihis,” dagdag pa ni Cruz.

Matatandaang hindi nakadalo si Pangulong Aquino sa makasaysayang pagdedeklarang santo kay San Pedro Calungsod dahil nagsagawa ito ng state visit at sa halip ay ipinadala si Vice President Jejomar Binay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply