Dindi Gallardo may relasyon sa kanyang amo

KINONTAK ng tatlong malalaking istasyon ng telebisyon sa Pilipinas si Dindi Gallardo para ma-interview hinggil sa kasong isinampa ng kanyang abogadong si Atty. Matthew Blit sa mag-dyowang Frank Miller at Kimberly Cox pero hindi ito nagpaunlak, sa halip ay nagpadala na lamang ng official statement ang de-kampanilyang abogado sa mga TV network at sa iba pang media oulets.

Labis daw na natutuwa si Atty. Blit dahil sa suportang natatanggap nang dating Pinay actress mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng mga social networking sites. Humanga rin siya sa mga Pinoy dahil kuyog talaga itong nagtatanggol sa kanilang kababayan.

Hindi lamang kasi sa usaping physical injuries, malicious mischief, grave threat at kung anu-ano pa ang isyu rito kundi racial discrimination na rin.

Imagine, ang galing-galing nang um-English ni Dindi dahil sa America na ito nakatira, pero nilait lait pa rin siya ng malditang si Kimberly sa kanyang pagsasalita sa lengguwahe ni Uncle Sam. Minamaliit siya ng panget na Kana.

May natanggap naman kaming mga text messages galing sa readers ng Remate at mula sa aming mga listeners sa radio program namin sa DWIZ, na ang ilan ay mula pa abroad, na nagsasabing may relasyon daw umano si Dindi sa amo niyang si Miller kaya ganun na lamang ang selos sa kanya ng girlfriend nito.

Iyon daw ang usap-usapan sa Tate.

Well, abangan natin ang kahihinatnan ng kasong ito dahil may kaugnayan ito sa diskriminasyon ng letseng kanang iyon sa ating lahing kayumanggi.

***

Si CSF ang plastik, di si VG Daniel Fernando

PINALALABAS ni CSF na plastik si Vice Governor Daniel Fernando. Kunwaring nalungkot daw ito nang hindi ma-aprubahan ng Comelec si Philip Salvador sa inihain nitong transfer to vote from Wack-wack, Mandaluyong to Pandi, Bulacan dahil sa kakulangan ng panahon at kawalan nang ibidensiya na nagpapatunay na residente siya ng nasabing probinsiya for atleast six months.

Totoo namang nalungkot si Vice Gov. Daniel sa pagkaka-disapproved sa request ni Philip dahil sa effort na ginawa nito na wala namang nangyari. Pero sa kabilang banda, sa sarili niya, natuwa rin siya siyempre dahil nawalan siya nang kalabang may dating din sa mga sa mga bontante. Tao lang naman siya. Kahit kami ipagbubunyi namin kung nabawasan kami ng kalaban.

Iyon nga lamang, walang opisyal na pahayag na ipinalabas si Vice sa publiko na nagsasabing nalungkot siya o natuwa sa nangyari kay Ipe.

Tanging ang imbentor lang naman ng mga balita na si CSF ang may sabi nito. Palibhasa nuknukan siya ng kaplastikan sa katawan. Ang masamang ugali niyang ito ay ibinibigay niya sa iba. Tumahimik na lamang siya. Sa bawat dakdak niya, si Ipe ang napapasama.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa
kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply