Dingdong Dantes payag makipaglaplapan kay Vice Ganda

MUKHANG seryoso at hindi nagbibiro si Dingdong Dantes sa kanyang pahayag na gusto niyang i-produce ng pelikula ang Box Office Gay comedian/host na si Vice Ganda at kung kinakailangan sa istorya ay willing siyang makipag- laplapan rito.

Siyempre, nang makarating kay Vice ang statement na ito ni Dingdong ay kinilig ang bading. Sabay sabing tatanggapin niya kaagad ang project at kahit wala siyang bayad ay okay lang dahil matitikman niya naman ang papable at papalicious na aktor na bida sa pinakamalaking horror action movie na Tiktik: The Aswang Chronicles na showing na sa darating na Miyerkules, October 17.

Ang big question lang ngayon ay kung sakaling matuloy ‘yan, papayag naman kaya ang mataray at selosang girl- friend ni Papa Dong na si Marian Rivera? Sa babae nga nanunugod ‘yan, what more sa bading pa kaya?

Well, may nag-comment na kapag ginusto ni Dingdong ay walang magagawa si Marianita. By the way, anong tipo naman kaya ng istorya ang babagay sa dalawa.

For us, pwedeng drama/romance ang tema ng istorya para maiba naman at hindi na lang puro comedy si Vice. Puwede nilang i-remake ni Dingdong ‘yung isang classic movie ng Regal Films na Pang- Umaga, Pang-tanghali, Pang-gabi na pinagbidahan nina Gina Pareno, Elizabeth Oropesa, Orestes Ojeda, Eddie Garcia at ng gay actress noong dekada 70 na si Sabrina.

Bagay na bagay ito kay Vice Ganda.

Yes, good project gyud!

***

Laguna Gov. ER Ejercito successful actor politician

OO nga’t once a year lang kung gumawa ng pelikula si Laguna Gov. ER Ejercito pero once na ipalabas na sa mga sinehan ay surprise hit ito. Tulad ng nangyari sa huling pelikula ni Gov. ER na Asiong Salonga Story: Manila Kingpin na isinali niya sa Metro Manila Film Festival last year.

Aba! Hindi sila nagpahuli at nagpakabog sa mga nakasabay na top grossing films sa nasabing filmfest. At in fairness tumagal hanggang January sa mga sinehan ang Manila Kingpin at humakot pa ng tatlong best actor awards si Gov. ER sa FAMAS, Luna Awards at Star Awards.

‘Yung themesong rin nito na Hari ng Tondo as sung by Clock 9 and Denise Barbacena ay umabot na sa more than 1 million ang hits sa Youtube. Well, di naman kataka-taka kung ganito ang naging outcome ng naturang peli kula ni Gov. ER maliban kasi na sa magaling siyang actor ay de-kalidad naman ang project niyang ito.

Tulad ng latest movie niya na El Presidente na matagal ng kumpirmadong pasok sa MMFF 2012. At hindi basta-basta ang project dahil puro mga bigating stars ang kasama ng nasabing actor politician tulad ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, Christoper de Leon, Cristine Reyes at marami pang iba. Ngayon palang ay hinuhulaan ng hindi pahuhuli ang pelikula sa kanyang mga makakalaban sa MMFF at hahakot rin daw si Gov. ER ng awards rito.

Trailer pa lang ng El Presidente ay pinupuri na, what more kapag napanood n’yo na ang buong pelikula sa big screen? Lubhang nakapaswerte talaga ni Governor dahil successful na siya sa pagiging artista, matagumpay rin siya bilang politician.

Sa katunayan parati siyang naging number one sa survey dahil mahal na mahal siya, ganon na rin sng kanyang Mayor na misis na rating aktres na si Maita Sanchez Ejercito, ng kanilang constituents na ma- jority ay mahihirap. Sila ang priority ni Gov. ER sa ipinamamahagi nitong ER Orange Card na quality health card na magagamit nila sa kanilang libreng hospitalization at medication.

Sa hirap ng buhay, malaking tulong ang nasabing health project ni Gov. ER sa kanyang mga kinasasakupan mula pa noon, hanggang ngayon. Kahanga-hangang politician gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply