‘Dirty’ ilalampaso ni ‘Asiong’ sa Maynila

PORMAL nang naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (CoC) sina Manila Mayor Fred “Dirty Harry” Lim at si dating Pangulong Erap “Asiong Salonga” Estrada.

Lumabas sa isinagawang survey sa mga taga-Maynila na hindi lamang mananalo si Asiong kay Dirty, bagkus ay ilalampaso ito!

Agad tayong nag-react, parekoy, ‘di ba incumbent si “Dirty”? Eh, bakit sa kangkungan tuloy siya pupulutin?

Wala na ba ang kanyang ipinagmamalaking magic?

I mean, wala na ba ang kamandag ng “Dirty Harry”?

Sa maraming dahilan na ibinigay ng ilang taga-Maynila, unahin muna natin, parekoy, ang pangunahing dahilan kaya itinatakwil na umano nila si Lim.

Una, isinusuka na nila ang uri ng pamumuno na palagi na lang idinadaan sa tapang.

Kumbaga, natutulog umano silang taglay ang kaba at agam-agam sa dibdib kung sila ba ay sisikatan pa ng araw sa kaunting pagkakamali!

Ang ibig nilang sabihin, kung sila man ay nagkasala, bakit hindi hayaang batas ang magparusa sa kanila? Oo nga naman, Mayor Lim, ‘di ba’t ipinangangalandakan nating sibilisado tayo? Bakit inilalagay sa ating mga kamay ang batas?

Tandaan mo, Mayor Lim, maging sa pamilya, kung sa takot namumuhay ang ating mga kasambahay, parang laging tensiyonado ang sitwasyon!

Kadalasan tumitigas tuloy ang ulo ng ating mga anak na bandang huli ay ito ang nagiging sanhi ng pagrerebelde!

Tingnan mo ang sitwasyon ngayon ng Maynila, naturingan kang “dirty harry” (utak-pulbura?) pero mas matitindi ang nagaganap na krimen!

Parekoy, epektibo ang tapang sa umpisa lang pero kalaunan ay nagrerebelde ang tao!

Ang hanap ngayon ng taga-Maynila ay lider na habang ligal na ipinatutupad ang batas ay may kaakibat na karisma! Hehehe, paano ‘yan, “open book” ang buhay ni Erap bilang mapagmahal! Hak, hak, hak!

Sa dami ng kanyang inibig ay tiwala ang mga taga-Maynila sa kanyang pagmamahal!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply