Disempleyo sa bansa, dulot ng kawalan ng industriya

ANG kawalan ng programa ng gubyerno para sa industriyalisasyon ang dahilan sa mataas na antas ng disempleyo sa bansa.

Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno o KMU matapos aminin ni National Statistical Coordination Board o NSCB secretary general Jose Ramon Albert na pinakamataas ang antas ng disempleyo ng Pilipinas sa buong Asya.

Dagdag ni Albert na hindi gumalaw ang antas ng disempleyo nitong nakaraang sampung taon.

Patunay ito na walang ginagawa ang mga pamahalaang Aquino at Arroyo upang paunlarin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng industriyalisasyon.

Kailangang-kailangan umano ng Pilipinas ang indstriyalisasyon na nakatuntong sa repormang agraryo upang mabigyang solusyon ang kawalan ng pangmatagalang hanapbuhay ng milyon-milyong Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply