Diskuwalipikasyon vs Bayan Muna, Anakpawis, lalabanan

LALABANAN ng mga progresibong grupo ang nababalitang tangkang diskuwalipikasyon sa mga partidong Bayan Muna at Anakpawis sa susunod na halalan.

Ito ang pahayag ni ACT Teachers’ Party congressman Antonio Tinio, kaalyado ng mga nasabing partido sa Makabayan Coalition, matapos ang pag-aanunsyo ng Commission on Elections o Comelec na nirerebisa pa nila kwalipikasyon ng apatnapung partido para sa 2013 elections.

Ayon kay Tinio, isang malaking kalokohan kung pati ang Bayan Muna at Anakpawis ay isasama sa listahan ng Comelec na madidiskuwalipika, tulad ng Ako Bikol at marami pang iba.

Paliwanag ni Tinio, wala nang mas marhinalisado sa mga kinakatawan ng Bayan Muna tulad ng Bayan Muna at Anakpawis tulad ng manggagawa, magsasaka, maralitang taga-lungsod, matatanda, katutubo, LGBT at marami pang iba.

Dagdag ni Tinio, maging ang mga kinatawan ng dalawang partido ay mula sa mga marhinalisado at pinakamahihirap na mga sektor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply