Disqualification ng Anakpawis, Bayan Muna, lalabanan

LALAHOK ang militanteng grupo ng maralitang lungsod na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ngayong umaga sa ilulunsad na kilos-protesta sa labas ng Commission on Election sa Maynila upang kondenahin ang posibleng diskuwalipikasyong kinakaharap ng mga marginalized na mulitisektoral na partylist para sa susunod na election.

Nanawagan din ang grupo sa 35,000 nitong kasapi sa buong bansa na maging mapagbantay sa anumang hakbang ng Comelec kaugnay sa nabanngit na diskwalipikasyon.

Nauna ng nagpahayag si Comelec chair Sixto Brillantes na maaring hindi maisama ang mga multisektoral na partylist sa listahan ng mga lalahok sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Gloria Arellano, Kadamay national sec-gen at deputy sec-gen ng Patrido Anakpawis, ang posibleng diskwalipikasyon ng Anakpawis at Bayan Muna ay mangangahulugan na ang administrasyong Aquino ay hindi talaga nagsisilbi sa interes ng milyung-milyong maralitang Pilipino.

“Higit nitong pagtitibayin ang paniniwala ng aming grupo na si Aquino ay representasyon ng mga milyonaryong negosyante at panginoong maylupa sa bansa, na tutol mabigyan ng boses ang mga maralitang manggagawa, magsasaka, mangingisda at maralitang lungsod sa loob ng Kongreso,” dagdag ni Arellano.

Ang Anakpawis Partylist ay sinusuportahan ng iba’t ibang sektor ng masang anakpawis gaya ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Pambansang Lakas ng Mamamalakayang Pilipinas (Pamalakaya) at Kadamay.

Nagmula sa Anakpawis Partylist ang pinakamahihirap na kongresista sa kasaysayan ng bansa tulad ni Crispin Beltran at ang kasalukuyang representative nito na si Rafael Mariano.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply