Disqualification sa bogus na partylist oks sa obispo

SINANG-AYUNAN ni Lingayen Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz ang pagpapataw ng disqualification ng Commission on Elections sa mga tinuturing na bogus partylist group.

Ayon kay Archbishop Cruz, nasa tamang direksiyon ang Comelec sa ginawang pagbasura sa mga petition ng ilang nagpapakilalang kinatawan ng napababayaang sector.

Iginiit ng arsobispo na ibinabalik lamang ng Comelec ang tunay na kahulugan ng partylist na dapat ay marginalized sector ang kinakatawan at hindi ang interes ng iilan.

Naniniwala rin si Archbishop Cruz na maraming bogus na partylists ang nahalal sa kapanahunan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dapat ay hindi na payagang makalahok sa 2013 midterm polls.

Samantala, nabatid rin kay Archbishop Cruz na patuloy ang kanyang pagtunton sa mga partylist group na pinopondohan ng mga gambling lord at sa sandaling makumpleto na aniya ang mga dokumento at ebidensiya ay kanyang isusumite kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply